(063) (033) 320-0870 to 77 [email protected]
PNHS Logo
  • HOME
  • ABOUT
    • School Profile
    • Vision & Mission
    • History
  • ACADEMICS
    • Junior High School
    • Senior High School
  • RESOURCES

Palanguia National High School sa Division Secondary School's Press Conference (DSSPC)

Published on April 29, 2025
Querubin: Sigurado ang tiket para sa 2025 RSSPC Umarangkada ang Palanguia National High School sa Divison Secondary Schools Press Conference (DSSPC) kung saan isa lamang sa apat na kinatawan ang nakakuha ng kampyonato sa Oton National High School (ONHS), Marso 7. Mayroong apat na mamahayag mula sa PNHS ang sumali sa paligsahan na sina: Shaira Faye Peñafiel sa Copy Reading and Headline Writing (Filipino), Hany Keith Miranda sa News Writing (Filipino), Frances Unnah Agsaluna sa Sports Writing (English) at si Azeah Grace P. Querubin sa Sports Writing (Filipino). Sa apat na kalahok, tanging si Querubin lamang ang pinalad na maka-sungkit ng tropeyo kung saan nagawa niyang maangkin ang 1st Place na sapat upang makwalipika sa nalalapit na 2025 Regional Secondary Schools Press Conference (RSSPC). Nagawa rin ni Querubin na maging Vice President ng Iloilo Campus Correspondents Association (ICCA) ng 3rd Congressional District at Board Member ng ICCA sa kabuuang Divison of Iloilo. Matagumpay na iniuwi ng PNHS ang kampyonato na dala ng kanilang kalahok kasama ang kani-kanilang mga coaches. “Ako ay nagagalak na manalo at magawang makwalipika sa nalalapit na RSSPC. Samantala, ako rin ay nagpapasalamat sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng talento at kaalaman sa pagsusulat ng balitang isports,” saad ni Querubin.
 
 
 
 
 
Back to News

PalanguiaNHS

Palanguia, Pototan, Iloilo, Philippines

© 2025 PalanguiaNCHS